2,117 karagdagang kaso ng COVID naitala sa Pinas

2,117 karagdagang kaso ng COVID naitala sa Pinas

October 3, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala pa ng karagdagang 2,117 na bagong kaso ang Pilipinas nitong Linggo ayon sa Department of Health o DOH.

Bunsod nito, ang kabuuang kaso na sa bansa ay umabot na sa 3,953,886.

Sa iniulat na mga bagong kaso, 908 ay mula sa Metro Manila.

Nakapagtala rin ang DOH ng 32 na bagong nasawi na nagdala sa kabuuang 63,013 na binawian ng buhay dahil sa sakit.

Nanatili ang aktibong kaso sa 28,872 habang ang bilang ng nakarekober ay umakyat sa 3,862,001.

Ang positivity rate mula September 25 hanggang Oct. 1 ay 15.1 percent na bahagyang mas mababa sa 15.3 percent na naitala sa nagdaang linggo.

Mula Sept.19 hanggang 25, nakapagtala ang bansa ng average na 2,556 daily infections na 22 percent na mas mataas kumpara sa nagdaang linggo ayon sa DOH.

Noong Sept.27, nasa 73 milyong indibidwal na sa bansa ang fully vaccinated laban sa naturang sakit.

Sa bilang na ito, aabot sa 19.3 milyon ang nakatanggap ng kanilang booster dose habang mahigit 28 milyon ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Jocelyn Tabangcura-Domenden