22-anyos na kelot utas sa trak!

22-anyos na kelot utas sa trak!

September 11, 2022 @ 4:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Patay ang isang 22-anyos na binata matapos salpukin ng trak na minamaneho ng kapangalan ng sikat na basketball player ang kanyang motorsiklo sa Caloocan City.

Dead on arrival ang biktima sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Mark Julius Pasague, residente ng Block 9-D, Lot 29, Phase 2, Dagat-dagatan Kaunlaran Village, Brgy. Longos, Malabon City sanhi ng matinding pinsala na tinamo sa ulo at katawan.

Agad namang nadakip ng pulisya ang 36-anyos na si Jayson Castro, residente ng San Vicente, Sto. Tomas Pampanga na driver ng Hino tractor head na may plakang CAW-6649 na ngayon ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide sa piskalya ng Caloocan City.

Base sa imbestigasyon ni PCpl. Anthony Gudgad ng Caloocan South Traffic Investigation and Detective Management Section, tinatahak ng Yamaha Mio motorcycle na minamaneho ni Pasague ang kahabaang ng C-3 Road patungo sa direksiyon ng Dagat-dagatan dakong alas-8:20 ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, pagsapit sa kanto ng Torcillo St., Brgy. 28, sinalpok ng trak ang hulihang bahagi ng motorsiklo na minamaneho ng biktima at nakaladkad pa ito ng ilang metro na naging upang magtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan. R.A Marquez