22-anyos na motorcycle rider, todas sa championship race

22-anyos na motorcycle rider, todas sa championship race

October 13, 2022 @ 8:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pumanaw sa ospital ang 22-anyos na professional motorcycle rider na si Victor Steeman matapos aksidente itong sumalpok sa championship race sa Portugal,

Sa statement na inilabas ng The Fédération Internationale de Motocyclisme , hindi nakayanan ni Steeman ang mga tinamong sugat dahilan sa pagpapan nito habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Ayon sa ulat, naganap ang aksidente sa FIM Supersport 300 World Championship’s Race 1 sa Portugal.

Unang lumaban sa pro motorcycle race si Steeman sa World Supersport 300 full-time noong 2019 at nagtala ng apat na panalo, limang podium at tatlong pole position ngayong season.

Gumawa rin ng kasaysayan ang 0Dutch rider dahil sa pagkakaroon ng most pole position sa World Supersport 300 class sa Circuit de Barcelona-Catalunya.

Agad namang nagpa-abot ng pakikiramay ang mga nakasama nito sa karera matapos mabalitaan ang pagpanaw ni Steeman.JC