22 kumpirmadong nasawi sa bagyong Maring – NDRRMC

22 kumpirmadong nasawi sa bagyong Maring – NDRRMC

October 17, 2021 @ 8:29 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 22 ang kumpirmadong nasawi dahil sa bagyong Maring ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado, Oktubre 15.

Batay sa kanilang report, 17 iba pang nasawi ang patuloy na bineberipika habang mayroon namang 16 na kumpirmadong nawawala.

Ayon sa NDRRMC, mayroon namang 611,705 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo at nasa 15,130 residente pa rin ang nananatili sa evacuation centers.

Pagdating naman sa inprastruktura hindi pa rin madaanan ang 12 kalsada at 13 tulay mula sa Region 1, 2, Calabarzon, Mimaropa, Caraga at CAR.

Mayroon naman na aabot sa 7,399 ang mga tirahang nasira mula naman sa mga rehiyon ng Region 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, Region 6, CARAGA at CAR. RNT