22 lugar sa labas ng NCR tinututukan ng gobyerno sa tumataas na COVID cases

22 lugar sa labas ng NCR tinututukan ng gobyerno sa tumataas na COVID cases

January 27, 2022 @ 8:54 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nasa 22 lugar sa labas ng National Capital Region ngayon ang pokus ng gobyerno dahil sa tumataas na COVID-19 cases, ayon sa Malakanyang.

Sa anunsyo ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagsasagawa na ang gobyerno ng masinsinang koordinasyon sa regional Interagency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at binabantayan ang mga sumusunod na lugar:

– Calabarzon

– Central Luzon

– Ilocos Region

– Dagupan City

– Cordillera Administrative Region

– Baguio City

– Cebu Province

– Cebu City

– Lapu-lapu City

– Mandaue City

– Iloilo Province

– Iloilo City

– Bacolod City

– Cagayan de Oro City

– Davao City

– General Santos City

– Ormoc City

– Naga City

– Western Samar

– Tacloban City

– Biliran

– Zamboanga del Sur

“What we’re seeing now is while cases in Metro Manila and in fact some areas in Region 4-A and 3 are slowing down in terms of the growth rate, we’re seeing higher growth rates in those (abovementioned) areas,” ani Nograles sa interbyu sa CNN Philippines.

Suhestyon ni Nograles sa mga lugar na nabanggit na pataasin o dagdagan pa nila ang kanilang mga hospital bed capacity para sa COVID-19 patients para mapigilang maabot ng kani-kanilang health care utilization rate (HCUR) ang lagpas sa 70 percent.

“Like what happened here in NCR, we reserved the beds for severe and critical and moderate cases while mild and asymptomatic can do home isolation,” ani Nograles said. RNT