22 magsing-irog nagpahayag ng “I Do” sa kasalang bayan sa Cagayan

22 magsing-irog nagpahayag ng “I Do” sa kasalang bayan sa Cagayan

February 23, 2021 @ 1:21 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

CAGAYAN, Philippines – Kabuuang 22 pares o couples ang sabayang ikinasal ng libre ng pamahalaang bayan ng Amulung sa bahagi ng tabing ilog sa Barangay Dugayung Eco Tourism Park ng nasabing bayan.

Ang 22 pares na mag-asawa ay mula sa Barangay Dugayung, Gabut, Baccuit, Jurisdiccion at Dafunganay pawang sa bayan ng Amulung, Cagayan.

Pinangunahan mismo ni Mayor Elpidio Rendon ang simpleng seremonya na dinaluhan din ni 3rd District Board Member Rodrigo de Asis at iba pang opisyal ng nasabing bayan.

Ayon kay Mayor Rendon maituturing na historical events ang nangyaring kasalan sa eco park na tinawag nitong “Duracay” na hango sa sikat na beach island na Boracay dahil na rin umano sa ganda ng tanawin, malamig na hangin at napakagandang view mula sa Cagayan River.

Hinangaan naman ni Ms. Liza Abad ang Local Civil Registrar ng Amulung ang ipinakitang pagkakaisa ng mga residente ng Dugayung na kaya rin nitong makipagsabayan sa mga ibang lugar o tourism sites sa Cagayan.

Pinayuhan naman ni Mayor Rendon ang mga magsing-irog na sa kanilang pag-iisang dibdib ay maging faithful sa isa’t isa, magmahalan sa hirap at ginhawa o “Till death do us part.”

Ang libreng kasalan bayan ay taunang isinasagawa ng bayan ng Amulung kaugnay sa selebrasyon ng Civil Registrar Month at Araw ng mga Puso. Rey Velasco


  •  
  •  
  •