22 patay sa nightclub, pawang estudyanteng nagwalwal

22 patay sa nightclub, pawang estudyanteng nagwalwal

June 27, 2022 @ 5:42 PM 1 month ago


SOUTH AFRICA – Lumilitaw sa panimulang imbestigasyon ng pulisya na maaaring namatay sa sobrang pag-inom ng alak ang ikinamatay ng 22 katao sa isang nightclub sa London City sa bansang ito kamakailan.

Subalit hindi isinasantabi ang posibilidad na nilason ang mga biktima, ayon Police Minister Bheki Cele.

Edad 13-17 umano lahat, hindi 18-20 sa unang ulat, ang mga biktima at maaaring hindi nila nakayanan ang nilaklak na alak.

Pawang mga estudyante rin ang mga nasawi at pumunta sa Enyobeni Tavern upang magwalwal dahil katatapos lamang umano ang kanilang eksaminasyon.

Tinitingnan na ang pananagutan ng mga kinauukulan sa pagtanggap sa mga menor-de-edad na uminom at maglasing sa kabila ng batas na ang mga edad 18 pataas lamang ang pupuwedeng bumili at uminom ng alak. RNT