22 talpakero sa e-sabong nahuli

22 talpakero sa e-sabong nahuli

December 9, 2022 @ 6:29 PM 2 months ago


CEBU CITY — Nahuli ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group in Central Visayas (CIDG-7) ang 22 e-sabong bettors sa pinaigting na operasyon laban sa iligal na sugal noong Martes, Disyembre 6 sa lungsod na ito.

Ayon kay Police Colonel Peter Tagtag Jr., hepe ng CIDG-7, nagsagawa ng anti-illegal gambling operations ang mga tauhan ng CIDG Cebu Provincial Field Unit sa bulubunduking bahagi ng Barangay Bugho, San Fernando, Cebu.

Pagdating sa nasabing lugar naaktuhan ng mga awtoridad ang e-sabong sa labas ng isang lisensyadong cockpit arena na nagresulta sa pagkakadakip ng tatlong katao.

Sunod naman sinalakay ng CIDG Negros Oriental Provincial Field Unit ang lungsod ng Lapu-Lapu at Cebu at nadakip 19 na katao.

Ang mga naarestong suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o ang Anti-illegal gambling at Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Nanawagan naman si Tagtag sa mga mahilig sa e-sabong na itigil na ang pagsali sa mga ilegal na aktibidad dahil hindi nila titigilan ang operasyon kahit saan sulok ng bundok para masugpo ang mga ito at pagtukoy sa mga website at operator gaya ng Haring Talpakan.com. Mary Anne Sapico