22 tauhan ng NCRPO, kinasuhan ng murder sa pagkamatay ng ilang high profile inmates sa Bilibid

22 tauhan ng NCRPO, kinasuhan ng murder sa pagkamatay ng ilang high profile inmates sa Bilibid

July 5, 2022 @ 5:39 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inirekomenda ng National Bureau of Investigation ang pormal na pagsasampa ng walong bilang ng kasong murder laban sa 22 security at medical personnel ng National Capital Regional Police Office.

Kaugnay ito ng kahina-hinalang pagkamatay ng ilang high profile inmates sa New Bilibid prison sa Muntinlupa City noong kasagsagan ng pandemya.

Nabatid na mula Mayo hanggang Hulyo 2020, walong high-profile inmate ang nasawi sa loob ng Bilibid kabilang ang mga convicted drug lord na sina Amin Boratong at Jaybee Sebastian.

Gayundin ang mga kapwa drug lords na sina Francis Go, Shuli Lim Zhang, Jimmy Ang, Eugene Chua, Benajamin Marcelo, Sherwin Sanchez at Willy Yang.

Ang rekomendasyon ng NBI na pagsasampa ng kaso sa mga tauhan ng NCRPO ay base na rin sa hawak nitong ebidensya gaya ng testimonya ng mga witness at hindi magkakatugmang record ng Bureau of Corrections, NCRPO at NBP.

Samantala, ipinauubaya na ng NBI sa mga prosecutors ng Department of Justice ang pagdetermina sa mga nakalap nilang ebidensya. RNT/ JCM