22 VCMs sa E. Visayas, pumalpak

22 VCMs sa E. Visayas, pumalpak

May 10, 2022 @ 8:05 AM 2 months ago


EASTERN Visayas – Nasa 22 lamang sa 6,271 vote counting machines (VCM) ang nag-malfunction sa Eastern Visayas sa botohan nitong Lunes, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang inisyal na ulat.

Sa 22 VCMs, 6 ang dineploy sa Tacloban City; 4 sa Ormoc City; tig 2 sa Jaro, Dagami, at Carigara; at tig 1 sa bayan ng Sta. Fe, Kananga, Burauen, Bato, Barugo, at Albuera sa probinsya ng Leyte province.

“This is better since during the final testing and sealing, there were 31 VCMs and six SD cards that malfunctioned. Today, we did not encounter any problem with SD cards,” sabi ni Comelec Eastern Visayas information officer Jenette Ruedas.

Ang lahat ng hindi gumaganang makina ay naayos kaagad ng mga teknikal na kawani na sinanay para sa pag-troubleshoot ng VCM.

Kabilang sa mga nag-malfunction ay ang dalawang counting machine na naka-deploy sa Kapangian Central School sa downtown ng Tacloban City.

Agad naman itong ipinaalam sa Comelec regional office at binigyan ang mga botante ng dalawang pagpipilian na gagawin matapos maranasan ang aberya ayon kay Nita Jongco, ang Department of Education supervising election officer sa Kapangian.

“One portion is to wait for the replacement VCM and they personally feed the ballot to the machine. Another option is to leave it in the precinct and allow the members of electoral board to scan the ballot,” sabi ni Jongco .

Kabilang sa mga apektadong botante dahil sa aberya ng VCM ay si Vice Mayor Jerry Yaokasin, na tumatakbo laban sa incumbent Mayor Alfred Romualdez.

Naghintay sila ng ilang minuto bago makaboto.

Wala pang natatanggap na ulat ang Comelec regional office tungkol sa mga aberyang VCM sa iba pang limang probinsiya sa Eastern Visayas. Jocelyn Tabangcura-Domenden