2,227 dagdag-kaso; aktibong kaso umabot sa 23,721

2,227 dagdag-kaso; aktibong kaso umabot sa 23,721

October 21, 2022 @ 8:35 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Huwebes ng 2,227 bagong impeksyon sa COVID-19, nitong Oktubre 19, 2022.

Bunsod nito, umabot na sa 23,721, mula sa 23,347 na naitala noong Miyerkules.

Ang nationwide caseload ay nasa kabuuang 3,989,556, sabi ng DOH.

Sa nakalipas na dalawang linggo, iniulat ng National Capital Region (NCR) ang pinakamataas na impeksyon na may 9,083, sinundan ng Calabarzon na may 4,817, Central Luzon na may 2,637, Western Visayas na may 1,475, at Davao Region na may 1,383.

Sinabi ng Kagawaran ng Kalusugan na ang recovery tally ng bansa ay tumaas sa 3,902,166, habang ang namatay ay umakyat sa 63,669. RNT