P5B para sa Marawi rehab, inihirit ni TFBM chief Del Rosario

P5B para sa Marawi rehab, inihirit ni TFBM chief Del Rosario

September 16, 2020 @ 2:10 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Humihingi ng P5 bilyong pondo si Task Force Bangon Marawi (TFBM) chairperson Eduardo Del Rosario para sa rehabilitasyon ng Marawi.

“For 2021 we are given in the NEP, P5 billion… The budget of the Marawi rehabilitation is lump sum under the National Disaster Risk Reduction and Management fund being managed by the Office of Civil Defense,” saad ni Del Rosario.

Sabi pa nito na hindi naapektuhan ng pondo ng proyekto ng pandemya.

Siniguro rin ni Del Rosario na 90 porsyento ng rehabilitasyon ay makukumpleto bago ang Disyembre 2021.

“Most of the infra projects, maybe 90%. If there will be slippage, it can be completed in three months’ time after that December target date, your honors, to make it 100%,” dagdag pa nito.

Samantala, nailabas na ang P22.24 bilyon ng P60 bilyong nakalaan para sa naturang rehabilitasyon ayon sa huling tala nitong Agosto 13, 2020.RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...