2,236 Isabelino swak sa TUPAD

2,236 Isabelino swak sa TUPAD

December 19, 2022 @ 11:21 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasa 2,236 informal at vulnerable workers sa Isabela ang mga kamakailang benepisyaryo ng emergency employment program sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program, iniulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Linggo, Disyembre 18.

Pinangunahan ng DOLE Isabela Field Office (IFO) ang dalawang araw na pagbibigay ng  payout noong December 15-16 2022,kung saan naglabas ng mahigit P8.9 milyon na sahod sa mga benepisyaryo mula sa iba’t ibang munisipalidad ng Isabela.

Sinabi ni DOLE-IFO Head Evelyn U. Yango na 10 munisipalidad ang mga benefactor ng nasabing assistance , kabilang ang Burgos na may 123 benepisyaryo; Roxas na may 200 benepisyaryo; Quezon, 125; Quirino, 124; Luna, 125; Echague, 1,126; San Manuel, 151; Aurora, 150; Jones, 56; at Cordon na may 56 na benepisyaryo.

Ang mga manggagawa ng TUPAD ay nagtrabaho  ng 10 araw ng community work at hindi lalagpas sa maximum na 30 araw sa pamamagitan ng paglilinis at pagpapaganda ng mga pampublikong pasilidad sa kani-kanilang barangay, ayon kay Gonzales. Jocelyn Tabangcura-Domenden