225 dagdag-kaso ng COVID

225 dagdag-kaso ng COVID

January 22, 2023 @ 9:18 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 225 na bagong kaso ng COVID-19 nitong Sabado, Enero 21.

Dahil dito ay bumaba na sa 10,555 ang aktibong kaso ng sakit.

Batay sa pinakahuling datso ng DOH, umakyat naman ang total caseload sa 4,071,540.

Ito na ang ikapitong sunod na araw na mas mababa sa 300 ang kaso ng COVID-19.

Samantala, tumaas sa 3,995,305 ang recovery tally at ang mga nasawi naman ay umakyat na sa 65,680.

Nananatiling ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na bagong kaso ng sakit sa nakalipas na dalawang linggo sa 1,401, sinundan ng Calabarzon sa 664 kaso, Central Luzon sa 332 kaso, Cagayan Valley sa 289 at Western Visayas sa 267 na kaso. RNT/JGC