22,700 indibidwal apektado sa bagyong Neneng – NDRRMC

22,700 indibidwal apektado sa bagyong Neneng – NDRRMC

October 17, 2022 @ 10:56 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- May kabuuang 22,700  indibidwal o  6,260 pamilya ang labis na  naapektuhan ng  Severe Tropical Storm Neneng (international name: Nesat).

Sa naging pag-uulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang apektadong populasyon ay nasa  86 barangay sa Ilocos, Cagayan, at Cordillera.

Mayroon namang  678 katao o 191 pamilya ang nananatili sa loob ng 30 evacuation centers,  habang  248 katao o 77 pamilya ang tumutuloy sa ibang lugar.

Sa Cagayan, mayroong 3,702 katao o 1,174 pamilya ang nauna nang inilikas dahil sa banta ng bagyong Neneng.

Ayon sa NDRRMC, mayroong 59 flooding incidents at isang landslide  ang naiulat sa Cagayan.

Apat na kabahayan naman ang nawasak— dalawa ang ‘totally’ at dalawa naman ang ‘partially’, sa Ilocos at Cagayan.

May kabuuang 34 road sections at 12 tulay ang naapektuhan sa Ilocos, Cagayan, at Cordillera.

Habang mayroong  29 lansangan  at 12 tulay sa Ilocos, Cagayan, at Cordillera ang hanggang sa ngayon ay hindi pa madaanan ng mga motorista.

Nakaranas naman ang  25  lungsod at munisipalidad  sa Ilocos at Cagayan ng pagkawala ng suplay ng kuryente. Naibalik naman ang suplay ng kuryente sa tatlong lugar.

Samantala, kinansela naman ang domestic flight  sa  Ilocos dahil sa bansa ng bagyong Neneng. Kris Jose