2,275 dagdag-kaso ng COVID naitala

2,275 dagdag-kaso ng COVID naitala

September 18, 2022 @ 8:43 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala pa ang Pilipinas ng karagdagang 2,275 bagong kaso ng COVID-19 na nagdala sa nationwide caseload o pangkalahatang bilang na 3,918,329.

Ito ay isang pagbaba mula sa 2,619 na impeksyon noong Biyernes at ang ikatlong sunod na araw ng mas mababa sa 3,000 na naiulat na mga bagong kaso.

Ang mga aktibong impeksyon ay bumaba sa 26,271 mula sa 26,363 noong Biyernes.

Nanatili pa rin ang National Capital Region na nakapagtala ng mataas na kaso sa nagdaang dalawang linggo na may 10,073, sinundan ng Calabarzon na may 3,666, Central Luzon na may 2,185, Davao Region na may 1,189, at Western Visayas na may 957.

Ang recovery tally ng bansa ay umakyat sa 3,829,544, habang ang bilang ng mga nasawi ay tumaas sa 62,514.

Nitong Biyernes, 27.2% ang bed occupancy rate ng bansa, na may 7,801 na kama ang okupado at 20,837 ang bakante.

Sinabi ng DOH na 18,300 indibidwal ang nasuri noong Biyernes, habang 331 testing laboratories ang nagsumite ng data sa DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden