2,299 aftershocks naitala kasunod ng Abra earthquake

2,299 aftershocks naitala kasunod ng Abra earthquake

August 2, 2022 @ 3:37 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Patuloy na nadadagdagan ang mga naitatalang aftershocks ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology kasunod ng pagtama ng magnitude 7 na lindol sa Tayum, Abra noong nakaraang linggo.

Batay sa monitoring ng PHIVOLCS hanggang kaninang ala una ng hapon ay aabot na sa 2,229 ang naitalang aftershocks na may lakas na mula magnitude 1.4 hanggang 5.1.

Dahil dito, pinayuhan ng ahensya ang publiko na manatiling alerto lalo’t inaasahang ilang linggo pang mararanasan ang mga aftershocks sa mga lugar na matinding tinamaan ng lindol. RNT/ JCM