$22B investment pledges mula sa Chinese investors, pasalubong ni PBBM sa Pinas

$22B investment pledges mula sa Chinese investors, pasalubong ni PBBM sa Pinas

January 5, 2023 @ 3:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Makapag-uuwi sa Pilipinas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng USD 22.8 billion na investment pledges matapos nitong makapulong ang mga Chinese investors sa kanyang state visit sa China.

Ang mga investment commitments na ito ay kinabibilangan ng USD 1.72 billion para sa agribusiness, USD 13.76 billion para sa renewable energy (RE), at USD 7.32 billion para sa strategic monitoring (electric vehicle, mineral processing).

Sa isinagawang roundtable discussion, araw ng Huwebes kasama ang agribusiness chief executive officers (CEOs) sa Beijing, nagpasalamat ang Pangulo sa naging ambag ng lahat ng nagpartisipang kompanya sa “move toward a more modern and sustainable agricultural sector” sa Pilipinas.

 Sa agribusiness roundtable meeting, ang trade deals ay base unang-una sa paglagda sa protocol ukol sa market access para sa Philippine durian sa China.

Ang investments ay sinelyuhan ng coconut and food processing; development sa durian production; at processing and marketing,at maging sa alternative green technology para sa animal feeds at iba pang agriculture related products.

Sinelyuhan din ang cooperative agreements upang masiguro ang “sustainable” na suplay ng agriculture inputs, lalo na ang fertilizers.

Ayon sa Pangulo, ang agricultural sector possesses ng Pilipinas ay “huge potential to drive economic development with its thriving agribusiness ecosystem, abundant land, and fishery resources, rich pool of competent manpower, local availability of raw materials, favorable policy environment, as well as strong government support.”

Winelcome naman nito ang intensyon ng ilang Chinese companies na mamuhunan sa niyog, durian production, at Philippine livestock sector, na para sa Pangulo ay makalilikha ng “much-needed employment, pagyamanin ang research and development activities, palakasin ang domestic and international trade, at tiyakin ang food security. “

Ukol naman sa renewable energy, napagkasunduan sa roundtable meeting na itaas ang investment pledges sa Philippine Renewable Energy (RE) projects dahil sa nangyaring pagtaas noong December 2022 ng foreign ownership sa RE generation projects.

“Investment interest is mainly in solar and wind, but also includes manufacturing of equipment such as wind turbine generation towers, foundations, and also blades, and other wind turbine parts,” ayon sa ulat.

Sa naging pahayag naman ng Pangulo sa roundtable meeting kasama ang Chinese businesses sa renewable energy sector, Winika ng Pangulo na may investment opportunities para sa mga ito sa Pilipinas dahil sa nagpapatuloy na paglago ng energy demand.

“We look forward to more Chinese investments in renewable energy pursuits such as in solar and wind, as well as in related sectors including battery energy storage systems and off-grid power supply systems,” anito.

Maaari rin aniyang makahanap ang Chinese investors ng potensiyal sa manufacturing ng renewable energy project parts at equipment.

Sinabi ni Pangulong Marcos na umaasa siya na makatutulong ang mga ito sa Pilipinas na ma-develop ang expertise sa power generation equipment manufacturing.

Winelcome din ng bansa ang mga investors sa photovoltaic, onshore and offshore wind turbine generation, waste-to-energy, at iba pang renewable energy projects.

Sa naging miting naman ng CEOs ukol sa mineral processing at e-vehicles (EVs), sinabi ni Pangulong Marcos na mananatiling malakas ang Philippine economic fundamentals at mananatiling bumubuti.

“I assure you that our government is committed to support your business activities in the country,” ang pahayag ng Pangulo sa mga CEOs.

Samantala, hinikayat naman ng Pangulo ang mga ito na “explore investment opportunities in mineral processing and battery precursor production, assembly of EVs, and manufacture of EV parts and components.”

Nanghikayat din ang Pangulo ng “investment cooperation on green development” sa green technology at technological innovation platforms gaya ng R&D centers, innovation centers, laboratories, at incubators. Kris Jose