22K manggagawa nag-apply ng cash aid — DOLE exec

22K manggagawa nag-apply ng cash aid — DOLE exec

January 27, 2022 @ 4:30 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nag-apply na para sa cash aid ang nasa 22,000 manggagawa, ayon sa Department of Labor and Employment.

Base kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay sa Laging Handa public briefing, nakapaglaan na ang DOLE ng P1 bilyon para sa financial assistance sa ilalim ng COVID Adjustment Measure Program (CAMP) 2022.

“More than 5,000 po dito ay na-approve na based on the evaluation of our regional offices, around 12,000 naman po ‘yung for evaluation and then more than 4,000 po ‘yung for further verification po,” ani Tutay.

Kwalipikado lamang para sa ayuda ang mga obrerong nawalan ng trabaho dahil sa permanenteng pagsasara ng kanilang kumpanya o kaya naman ay pansamantalang sarado dahil sa umiiral na Alert Level 3.

Nagkakahalaga naman ang ipamimigay ng P5000 at mapakikinabangan ng 200,000 empleyado. RNT/FGDC