22M ePhilIDs, naipamahagi na – PSA

22M ePhilIDs, naipamahagi na – PSA

February 17, 2023 @ 4:22 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – MATAGUMPAY na nakapagpalabas ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng mahigit sa 22 milyong ePhilIDs o electronic printable version ng Philippine Identification System (PhilSys) ID o national ID sa mga nagparehistrong Filipino.

Sa isang kalatas, sinabi ng PSA na “as of February 14, 2023,” ang kabuuang ePhilID na kanilang naipalabas na ay umabot na sa 22,218,718.

Gayunman, sinabi ng PSA, na nakapag-rolled out na sila ng website sa pamamagitan ng portable document format (PDF) copy ng ePhilID na maaaring i-download, iyon nga lamang, ang mga taong mayroong ID ang makakapag-download sa kanilang mobile devices.

“Through this strategy, registered persons can now conveniently download their ePhilID on their mobile device and use it in transactions anytime,” ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa, National Statistician and Civil Registrar General.

“Just like the PhilID, the ePhilID holds the same functionality and validity whether printed on paper or as a PDF file,” ani Mapa.

Winika pa ng PSA na ang mga nagparehistrong indibiduwal na nakatanggap ng SMS o text message na ipinadala ng statistics agency ang puwedeng mag-download ng ePhilID.

“It can be scanned using PhilSys Check via verify.philsys.gov.ph, an identity authentication tool that cross-checks the data stored in the QR code against the data printed on the ePhilID,” ayon sa PSA.

Samantala, patuloy namang makikipagtulungan ang PSA sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Philippine Postal Corporation (Post Office) para mapabillis ang printing at delivery ng PhilIDs.

“As of February 10, 2023,” may kabuuang 23,934,533 PhilIDs ang naipadala na, ayon sa PSA. Kris Jose