23 Abu Sayyaf sumuko sa Sulu

23 Abu Sayyaf sumuko sa Sulu

March 7, 2023 @ 11:10 AM 3 weeks ago


ZAMBOANGA CITY –DALAWAMPU’T tatlong bandidong kasapi ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa tropa ng pamahalaan, iniulat kahapon sa probinsyang ito.

Ayon kay Col. Richard Verceles, operations chief of the Area Police Command-Western Mindanao, nitong Sabado ng hapon kusang sumuko sa militar ang 23 ASG sa Barangay Pasil, Indanan, Sulu.

Sinabi ni Verceles, kasunod ng pinaigting na operasyon ng Indanan Municipal Task Force to End Local Armed Conflict (MTF-ELAC) na pinamumunuan ni Mayor Hermot Jikiri, kusang sumuko sa mulitar ang 23 bandidong ASG.

Kabilang sa mga sumuko ay kinilalang sina Abdulla Mandangan, Ahajar Hadjiei, Arbijar Asarajan, Bermar Hadjiri Ahamad, Jul Habibudin Hajari, Junhar Arabani, Kasiri Emlani, Rasid Absulla, Jaser Maddusirun, Aduri Sahibbul, Abtar Asari Agga; Mordison Aduri; Taming Uping Umail; Abdurahman Asad; Rasil Samlaun; Cesar Ladjahali; Ajid Rajid; Makar Sumlaani; Mersan Hassan; Yaser Amirul; Aljimer Salahuddin; Salahuddin Salbi; at Marajan “Majang Asiri.

Bitbit ng mga sumukong bandidong ang mga kanilang armas na dalawang M16 rifles at 8 M1 Garand rifles.

Ang mga sumukong ASG ay sasailalim sa counselling at ilalagay sa ilalim ng kustodiya ng 100th Infantry Battalion ng Army bago makahalubilo sa lipunan./Mary Anne Sapico