23 pang Pinoy patay sa COVID; 1,009 bagong kaso

23 pang Pinoy patay sa COVID; 1,009 bagong kaso

December 15, 2022 @ 7:03 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Miyerkules ng 1,009 na bagong kaso ng COVID-19, kaya tumaas ang nationwide caseload sa 4,051,754.

Ayon sa pinakahuling datos ng DOH, nasa 18,035 na ang aktibong kaso ng bansa.

Umakyat sa 3,968,775 ang bilang ng mga nakarekober habang umabot sa 64,944 ang nasawi na may 23 bagong nasawi.

Ang National Capital Region ang may pinakamataas na bilang ng mga kaso nitong nakaraang dalawang linggo na may 5,727, na sinundan ng Calabarzon na may 2,408; Central Luzon na may 1,1162; Cagayan Valley na may 732; at Kanlurang Visayas na may 726.

Sinabi ng Department of Health na hindi bababa sa 13,783 indibidwal ang nasubok, habang 371 testing lab ang nagsumite ng data noong Disyembre 13.

Sinabi rin ng DOH na ang bed occupancy sa bansa ay 23.8%, kung saan 6,620 beds ang okupado at 21,205 ang bakante. RNT