23 recruitment agencies at manpower org, sumuporta kay Bello

23 recruitment agencies at manpower org, sumuporta kay Bello

July 30, 2018 @ 3:14 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Lumagda kahapon ng isang manifest of support ang may 23 lisensiyadong recruitment agency at manpower organizations sa bansa, upang ipakita ang kanilang pagsuporta para kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III.

Sa isang pulong balitaan sa Aloha Hotel sa Roxas Boulevard, Malate, Manila, sinabi ng grupo na buo ang tiwala nila kay Bello at hindi sila naniniwala na sangkot sa anumang korupsiyon sa DOLE ang kalihim.

Daan-daang mga Officers Members mula sa iba’t ibang hanay ng lisensyadong recruitment and manpower agencies ang nagbigay suporta kay Labor Secretary Silvestre Bello III | REMATE FILE PHOTO | JHUN MABANAG

REMATE FILE PHOTO | JHUN MABANAG

REMATE FILE PHOTO | JHUN MABANAG

Iginiit ng grupo na matagal na nilang kilala si Bello, at alam nilang may dedikasyon ito sa kanyang trabaho.

Buong puso rin anila itong tumutulong sa kanila nang walang anumang kapalit na pera, regalo o anumang pabor.

Nanindigan pa ang grupo na si Bello lang ang tanging Kalihim na tumugon ng personal  hanggang sa pinakamaliit na problema ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansa.

“We have not known Labor Secretary Silvestre Bello III, to have received cash or gifts of any kind from any recruitment agency in exchange for favors,” anang grupo.

Hinimok rin ng grupo si Pangulong Rodrigo Duterte na panatilihin si Bello sa kanyang puwesto bilang Kalihim ng DOLE para maipagpatuloy nito ang kanyang mga programa para sa lokal at overseas labor. Macs Borja