23 tarantula nasabat ng BOC

23 tarantula nasabat ng BOC

December 2, 2022 @ 6:51 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tangkang “wildlife smuggling” sa 23 Tarantula na nabuking sa Central Mail Exchange Center nitong Nobyembre 21.

Nabatid sa BOC, isang parsela na nagmula sa Hanoi, Vietnam, na ipadadala sana sa isang claimant sa Makati City, ay idineklara bilang “Snacks and other Foodstuffs” ngunit sa isinagwang pagsusuri ay nabuking na naglalaman ito ng 23 tarantula na nakatago sa mga plastic container.

Agad na itinurn-over ang 23 tarantula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa monitoring at safekeeping ng mga ito.

Ang nasabing iligal na shipment ay lumabag sa Section 1113 na may kaugnayan sa Section 117 at 1401 ng RA 10863 o mas kilala na Customs Modernization and Tariff Act at Section 27 ng RA 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Ngayong taon, nasamsam ng Port of NAIA ang ilang exotic aquatic wildlife species mula sa iba’t ibang bansa. Kinilala rin ng TRAFFIC Southeast Asia ang nasabing Port dahil sa pinaigting na kampanya nito laban sa wildlife trafficking.  JAY Reyes