23 todas sa Omicron sa Navotas

23 todas sa Omicron sa Navotas

January 22, 2022 @ 2:27 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Umabot sa 23 COVID patients ang natodas sa lungsod ng Navotas sa linggo ng Enero 14 hanggang 20, patunay na hindi “mild” ang ngayo’y dominant COVID variant sa Pilipinas na Omicron gaya ng pinaniniwalaan ng marami at walang dahilan para maging kampante ang mga mamamayan.

Limang COVID patients ang namatay sa Navotas noong Enero 14.  Lima muli ang namatay kinabukasan.  Tatlo ang pumanaw noong Enero 16, isa noong Enero 17 at tatlo noong Enero 19.

Nitong Enero 20, anim na may taglay na COVID ang sumakabilang buhay sa lungsod habang 1,012 ang active cases matapos na 103 ang gumaling at 52 ang mahawaan.  Pumalo na sa 20,374 ang tinamaan ng COVID sa siyudad, at dito ay 19,115 na ang namamatay at 607

Bagama’t walang ebidensyang Omicron variant ang taglay ng mga namatay sa COVID Navotas nitong nakaraang lingo, noon pang Enero 10 inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte na pinalitan na ng Omicron ang Delta bilang dominant COVID-19 variant sa bansa.

Samantala, ayon sa Malabon City Health Department, 63 ang nadagdag na confirmed COVID cases sa lungsod nitong Enero 21. Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Baritan (3), Catmon (16), Concepcion (5), Dampalit (1), Ibaba (3), Longos (5), Muzon (4), Niugan (2), Potrero (12), San Agustin (6), at Tugatog (6). Sa kabuuan ay 24,591 ang positive cases sa lungsod, 441 dito ang active cases.

Sa kabilang banda, 202 ang bilang ng mga gumaling. Ang mga pasyente ay mula sa Barangay Baritan (74), Concepcion (3), Flores (2), Ibaba (15), Longos (49), Muzon (1), Niugan (3), Potrero (33), San Agustin (20), at Tugatog (2). Sa kabuuan ay 23,461 ang recovered patients ng siyudad.

Samantala, isa naman ang muling nagpositibo sa COVID-19 o naitalang reinfection mula sa Barangay Catmon.  Hindi nadagdagan ang 689 COVID death toll sa lungsod sa nasabing petsa. Merly Iral