233 PDLs ng BJMP nagtapos sa ALS program

233 PDLs ng BJMP nagtapos sa ALS program

September 11, 2022 @ 12:30 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nasa 233 Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa piitan ng BJMP Manila City Jail Male Dorm ang matagumpay na nakapagtapos sa Alternative Learning System na programa ng gobyerno.

Pormal na pinarangalan ang mga PDLs ng pamunuan ng BJMP-Manila sa ginanap na graduation nitong Biyernes.

Si JO1 Elmar Jacobe ng Public Relation Officer ng BJMP-Manila ay kaakibat sa pamamalakad sa pagpapalaganap ng impormasyon ng aktibidad.

Ang ALS ay isang programa na Department of Education (DepEd) Manila sa tulong at gabay ng ALS Mobile Teachers.

Nanguna si Supt. Mirasol Victor ang City Jail Warden sa paggawad ng sertipikong mga nagsipagtapos na PDLs sa elementary at sekondarya ng Alternative Learning System. Jocelyn Tabangcura-Domenden