234 PDLs PINALAYA MULA  NI SEC. BOYING REMULLA

234 PDLs PINALAYA MULA  NI SEC. BOYING REMULLA

December 17, 2022 @ 1:25 PM 1 month ago


Kamakailan muling nagpalaya si Sec. Jesus Crispin Remulla ng 234 persons deprived of liberty  mula sa mga pasilidad ng Bureau of Corrections noong November 24, 2022. Ito na ang ikatlong beses na makataong hakbang ng kalihim ng pagpapatawad sa mga kababayan nating nagkasala sa batas at nakapagdusa na sa piitan ng mahabang panahon.

Sila ay nabigyan ng pagkakataon na makalaya lalo pa at magpapasko na, pagkakataon na muling makabalik sa kani-kanilang pamilya at pagkakataon upang tuluyan ng makapagbagong-buhay.

“Napagdusahan na nila ang kanilang mga kasalanan. Ang karamihan sa kanila ay matatanda na,” ayon kay Remulla. 

Matatandaang noong Setyembre 13, 2022 sa kaarawan ng Pangulong Ferdianand “Bongbong” Marcos, Jr. ay nasa 370 PDL ang nakalaya at Oktubre 26, 2022 ay 357 PDL naman ang napalaya nina Remulla at  PAO chief Atty. Persida Acosta. 

Sa bawat pagpapalayang nagaganap ay mababakas sa mga mukha ng mga bagong laya ang luha ng kasiyahan at ang ngiti ng saya dahil sa pananabik na muling makapagbagong-buhay kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

Samantala, noong Nobyembre 10, 2022 ay muling nagtungo sa Senado at sumalang ang Department of Justice  sa budget hearing sa plenary.

Maayos ding naipresenta ni Sec. Remulla ang magaganda at kapakipakinabang na plano ng kagawaran.

Sinigurado ni Remulla na lahat ng kanyang mga inilatag na budget hearing sa Senado ay magagamit para sa bayan tungo sa mas ikauunlad ng hustisya sa Pilipinas.