2,346 studes binigyan ng baon ng Muntinlupa LGU

2,346 studes binigyan ng baon ng Muntinlupa LGU

October 21, 2022 @ 12:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot sa 2,346 estudyante ang napagkalooban ng scholarship allowance ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa.

Sinabi ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, ang edukasyon ay isa sa kanyang listahan ng nasa prayoridad na kabilang din sa kanyang 7K Agenda.

Ayon kay Biazon base na rin sa repot ng Muntinlupa Scholarship Division (MSD), ang mga naging benepisyaryo ng scholarship allowance ay mga estudyanteng nasa Grade 7 hanggang Grade 10 ng Tunasan National High School (TNHS) na tumanggap ng kanilang ikalawang Tranche ng educational assistance nitong Oktubre 19.

Ang bawat estudyanteng benepisyaryo ay makatatanggap ng P2,500 scholarship allowance na may kabuuang halaga na P5.86 milyon.

Mayroon pang 4,693 estudyante ng high school sa ibang eskwelahan ang tumanggap din ng kanilang allowance mula sa lokal na pamahalaan nitong Oktubre 20.

Kaugnay nito, makakakuha din ng allowance ang mga estudyante ng Pedro E. Diaz High School (PEDHS) at Muntinlupa Business High School-Sucat Annex (MBHSSA) na nakatakda ng Oktubre 21 at Oktubre 24, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Simula Agosto ng nakaraang taon ay napagkalooban ng scholarship allowance ng lokal na pamahalaan ang 82,442 scholars ang mga estudyante ng elementarya, high school, kolehiyo gayundin sa lebel ng mga propesyunal.

Sa kabuuang nabanggit na bilang ng napagkalooban ng allowance ay 71,195 dito ay mga estudyante ng elementarya ahnggang senior high school, 9,262 estudyante ang nagnggaling sa kolehiyo habang 258 naman ay galing sa lebel ng mga propesyunal.

Ang scholarship sa kolehiyo ay binubuo ng ACE-PLMun Scholarship, 10 Most Outstanding Students, CARES Scholarship para sa mga pribadong kolehiyo at unibersidad, at SUC Scholarship sa mga state universities at colleges. (James I. Catapusan)