235 pang bagong kaso ng COVID naitala; 10 patay, 780 nakarekober

235 pang bagong kaso ng COVID naitala; 10 patay, 780 nakarekober

December 14, 2021 @ 4:00 PM 10 months ago


Nakapagtala lamang ng 10 indibidwal na namatay sa COVID-19 ngayong Martes.

Mayroon namang 235 na bagong kaso at 780 na gumaling.

Sa kasalukuyang 2,836,868 na kabuuang kaso, nasa 2,775,991 na ang gumaling sa virus habang kanbuuang 50,351 naman ang namamatay na sa naturang sakit.

Bumababa naman ang aktibong kaso na nasa 10,526 na lamang.

Pinaalalahanan ng DOH ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

Bagkus, dapat umanong ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask at faceshield, may physical distancing at maghugas ng kamay.

Agad ring magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa nakamamatay na sakit. Jocelyn Tabangcura-Domenden