2,358 health workers sa La Union nabakunahan na vs COVID-19

2,358 health workers sa La Union nabakunahan na vs COVID-19

March 14, 2021 @ 8:57 AM 1 year ago


Ilocos Region-Umabot na sa 2,358 health workers ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine mula sa iba’t ibang ospital sa lalawigan ng La Union.

Base sa huling data na inilabas ng Provincial Government of La Union (PGLU),  1157 health workers ang nabakunahan sa ITRMC; 366 sa LUMC; 352 sa Lorma; 45 sa Bethany, 143 sa LUMED; 36 sa Agoo Family, 53 sa Bacnotan District Hospital; 54 sa Balaoan District Hospital; 29 sa Caba Disrtict Hospital; 50 sa Naguilian District Hospital at 73 sa Rosario District Hospital.

Target ng PGLU na isunod na bigyan ng bakuna ang mga frontliner sa mga iba’t ibang Rural Health Units (RHUs) sa probinsya. Rolando S. Gamoso