2,371 COVID-19 new cases, naitala ng DOH ngayong Huwebes

2,371 COVID-19 new cases, naitala ng DOH ngayong Huwebes

July 14, 2022 @ 7:42 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Tumaas na naman ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong Huwebes.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 2,371 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ngayong araw na pinakamataas simula noong Pebrero 16.

Dahil dito, sumampa na sa 3,725,382 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng sakit sa bansa.

Umakyat din ang active cases na ngayon ay nasa 16,244 na mula sa 14,862 nitong Miyerkules.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng aktibong kaso simula noong Abril 21 kung saan nakapagtala ng 16,711 active cases.

Nasa 985 na mga pasyente naman ang gumaling para sa kabuuang 3,648,497.

Habang isa ang nadagdag sa bilang ng nasawi na ngayon ay nasa 60,641 na. RNT/ JCM