23K pulis itatalaga sa pagbubukas ng SY 2022-2023 – PNP

23K pulis itatalaga sa pagbubukas ng SY 2022-2023 – PNP

August 17, 2022 @ 7:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng Philippine National Police nitong Miyerkules na halos 23,000 personnel ang itatalaga sa mga paaralan at police desks para sa ligtas na pagbabalik ng mga estudyante sa mga paaralan sa susunod na linggo.

“We will be deploying more or less 23,000 PNP personnel na ipapakalat natin nationwide particularly dyan sa mga premises po ng eskwelahan,” sabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa isang public briefing.

Bukod sa mga paaralan, tatao rin ang mga pulis sa police assistance desks kung saan pwedeng mag-ulat ang mga magulang at estudyante ng security concerns.

Inanunsyo ng PNP nitong Martes na nai-forward na nito ang Ligtas Balik-Eskwela SY 2022-2023 operational guidelines ar procedures sa lahat ng units.

Kabilang sa mga alituntunin ang pinaigting na law enforcement activities sa learning institutions, transportation hubs at places of convergence upang maiwasan ang mga krimen.

Base sa PNP, magtatalaga rin ng COVID-19 patrol officers upang ipatupad ang minimum public health standards.

Makikipagpulong naman ang unit commanders sa school authorities at  parents and teachers associations upang magigay ng public safety services gaya ng illegal drugs prevention, education at iba pang anti-criminality programs.

Magsasagawa rin ng mobile at foot patrols sa kahabaan ng major routes at highways patungo sa mga paaralan.

Makikipag-ugnayan naman ang kapulisan sa local government units ukol sa mahigpit na implementasyon ng zoning ordinancesna nagbabawal sa video game shops, billiard establishments, at iba pang games at recreation malapit sa mga paaralan, partikular na sa  university belt sa Manila.

Nakatakdang umarangkada ang klase sa Agosto 22. RNT/SA