23M national ID naipamigay na – PhilSys

23M national ID naipamigay na – PhilSys

February 1, 2023 @ 3:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naipamahagi na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang nasa 23 milyon na physical versions ng Philippine Identification System (PhilSys) identification cards.

Ayon kay PhilSys Registry Division officer-in-charge Marc Laurente nitong Miyerkules, Pebrero 1, nakagawa na ang PSA ng nasa 30.3 milyon na ID cards.

“From our facilities na gumagawa ng card, we were able to produce 30.3 million already and were able to deliver through our courier sa PhilPost po na 23 million na ID cards,” sinabi ni Laurente sa public briefing.

Samantala, may kabuuang 76.2 milyon Filipino na ang nakakumpleto sa step 2 ng registration.

Target umano ng PSA na makapaglabas ng 92 milyon na national IDs ngayong 2023.

“Ang PSA po ay patuloy na nakikipag ugnayan sa ating mga kasamahan sa gobyerno, ‘yung ating sa BSP, sa Bangko Sentral ng Pilipinas, at sa PhilPost upang mapataas pa ‘yung ating productivity para din po mabigyan natin ng IDs ‘yung ating mga kababayan na nangangailangan,” aniya. RNT/JGC