24.6K outbound, halos 21K inbound passengers, naitala ng PCG

24.6K outbound, halos 21K inbound passengers, naitala ng PCG

December 20, 2022 @ 1:39 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Umabot na sa 24,625 ang outbound passengers habang 21,980 inbound passengers ang namonitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lahat ng pantalan sa bansa ngayong Dec. 20.

Bukod dito nainspeksyon na rin ang kabuuang 226 vessels at 260 motorbancas ng 1,882 itinalagang frontline personnel sa 15 PCG District .

Inilagay ng PCG ang mga district station at sub-station nito sa ‘heightened alert’ para pamahalaan ang pagdagsa ng mga pasahero sa daungan sa panahon ng Yuletide Season mula Disyembre 15, 2022 hanggang Enero 7, 2023.

Hinihikayat ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa PCG sa pamamagitan ng opisyal na Facebook page nito o ang Coast Guard Public Affairs (0927-560-7729) para sa mga katanungan, alalahanin, at paglilinaw tungkol sa mga protocol at regulasyon sa paglalakbay sa dagat sa panahon ng Yuletide Season. Jocelyn Tabangcura-Domenden