24/7 one-stop shop ng BI sa NAIA bukas na

24/7 one-stop shop ng BI sa NAIA bukas na

October 28, 2022 @ 11:20 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinasinayaan ng Bureau of Immigration (BI) nitong Huwebes ang kanilang bagong 24/7 one-stop shop office sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Ang opisina, na pangunahing tutulong sa mga dayuhang pasahero na nangangailangan ng visa extension at exit clearance, ay matatagpuan sa 3rd level, Government Clearing Center ng NAIA Terminal 3.

Pinangunahan ni BI Commissioner Norman Tansingco ang seremonya at sinamahan ng mga pangunahing opisyal ng BI, Department of Justice, at Manila International Airport Authority.

Nilinaw ni Tansingco na ang opisina ay tutugon lamang sa mga internasyonal na pasahero na mangangailangan ng mga dokumento sa imigrasyon. Ang ibang mga dayuhan ay pinapayuhan na bisitahin ang alinman sa halos 60 opisina ng BI sa buong bansa. RNT