24/7 online processing payment system ng BOC kasado na

24/7 online processing payment system ng BOC kasado na

September 16, 2022 @ 4:35 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na simula sa Oktubre 1 ay ipatutupad na ang 24/7 “online processing payment”.

Ayon sa BOC, sa pamamagitan ng Management Information System and Technology Group (MISTG), ay ganap na ipatutupad ang Philippine Clearing House Corporation (PCHC) Payment Application Secure System Version 6.0 (PASS 6) sa Electronic to Mobile (E2M) nito kung saan magbibigay-daan sa 24/7 na pagproseso ng mga pagbabayad para sa mga stakeholder na nakikipagtransaksyon sa pamamagitan ng mga piling bangko.

Ang BOC E2M System ay isang paraan para sa mga stakeholder na ma-access ang mga serbisyo ng Bureau kahit saan man at anumang oras upang mapadali ang mga ito sa pagbabayad.

“Stakeholders who pay duties and taxes through Security Bank, Landbank, Asia United Bank, and Metropolitan Bank and Trust Company will be the first to experience the round-the-clock payment service which can even be accessed from the comfort of their homes. Roll-out to other banks is also currently in the works,” saad ng BOC.

Pinabilis ni BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang digitalization ng Customs services habang pinamumunuan niya ang Bureau sa mga modernization programs at initiatives nito.

Ang naturang hakbang ay batay sa 8-Point Socioeconomic Agenda ng administrasyon at mga direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gawing moderno ang mga imprastraktura at sistema para pataasin ang trade operational efficiencies para isulong ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas. JAY Reyes