24/7 ops ng libreng sakay sa EDSA Busway aarangkada na sa Dec. 1 – DOTr

24/7 ops ng libreng sakay sa EDSA Busway aarangkada na sa Dec. 1 – DOTr

November 15, 2022 @ 11:42 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) nitong Martes na mas maaga magsisimula ang 24/7 operations para sa libreng sakay sa EDSA Busway sa Disyembre 1, 2022.

Inisyal na itinakda ang 24/7 operations ng Libreng Sakay sa Disyembre 15.

Inihayag ng DOTr na ipinag-utos ni Secretary Jaime Bautista sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na agahan ang implementasyon ng 24/7 operations.

“Ang inisyatibong ito ng DOTr at LTFRB ay paraan upang siguruhin na may masasakyan ang lahat ng ating mga pasahero beyond the usual operating hours sa EDSA Busway,” aniya.

Ikakasa ang 24/7 operations ng Libreng Sakay kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Christmas season at sa adjusted mall hours sa Metro Manila mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi.

Base sA DOTr, magpapalabas ang LTFRB ng Board Resolution upang gawing pormal ang December 1 implementation sa ilalim ng Service Contracting Program. RNT/SA