24/7 SIM registration complaint center inilunsad ng DICT

24/7 SIM registration complaint center inilunsad ng DICT

December 27, 2022 @ 1:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Naglunsad ng 24/7 complaint center para sa mga problema at isyu na kakaharapin ng mga subscribers sa SIM registration, ang Department of Information and Communications Technology (DICT).

Sa pahayag, sinabi ng DICT na ang naturang complaint center sa SIM registration ay pamamahalaan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), attached agency ng naturang departamento.

Maaaring tumawag sa hotline 1326 ang mga indibidwal na magkakaroon ng problema o katanungan na may kinalaman sa pagpaparehistro ng kanilang SIM cards.

Ani DICT spokesperson at Undersecretary Anna Mae Lamentillo, ikinukunsiderang test period ng SIM registration ang unang dalawang linggo ng implementasyon nito kung saan inaasahan ang mga glitch at technical issues kasabay ng pagpulido ng mga telecommunications company sa kanilang mga proseso.

“The first 15 days starting December 27 is a test period. This means that registrations during this period are all valid, but we are already anticipating that there could be some difficulties because this process is new to both the subscribers and the PTEs. During this 15-day test period, the PTEs will be able to assess what they need to improve on to make the registration process more efficient and easier for subscribers,” ani Lamentillo.

Magsisilbi naman na support system sa implementasyon ng SIM registration ang 24/7 complaint center.

“DICT Secretary Ivan John Uy wants the SIM registration to be done as soon as possible within 180 days, and he wants to ensure that the process will be as seamless as possible. That is why we launched a 24/7 complaint center so that concerns can be reported immediately and acted upon promptly,” aniya.

Siniguro naman ng mga telecommunications firm na sila ay handa sa implementasyon ng SIM Registration Act bagama’t inaasahan pa rin ang mga isyu na posibleng kaharapin dito. RNT/JGC