24 biktima ng human trafficking inalalayang makauwi ng PCG

24 biktima ng human trafficking inalalayang makauwi ng PCG

July 17, 2022 @ 4:11 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inalalayan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Isabela ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Maluso sa mabilis at ligtas na pagbiyahe sa 24 Trafficking in Person (TIP) victims sa Port of Isabela City, Basilan ngayong Linggo.

Ayon sa PCG, sumakay ang mga biktima ng TIP sa MV Ciara Joie 8 alas-9:45 ng umaga nang dumating sila sa Zamboanga City bandang alas-11:30 ng umaga.

Lumabas sa imbestigasyon na nasa 11 hanggang 60 taong gulang ang mga biktima ng TIP at mga residente ng Zamboanga City, Zamboanga Del Norte, Zamboanga Del Sur, Misamis Occidental, at Basilan.

Ang rescue operations ay isinagawa ng lokal na PNP ng Maluso sa Barangay Shipyard Main sa Maluso, Basilan noong 15 Hulyo 2022.

Nananatili sa kustodiya ng DSWD – Zamboanga City ang mga biktima ng TIP habang nagpapatuloy ang koordinasyon sa kani-kanilang pamilya. Jocelyn Tabangcura-Domenden