24 na pasahero, patay sa paglubog ng ferry sa Indonesia

24 na pasahero, patay sa paglubog ng ferry sa Indonesia

July 4, 2018 @ 12:08 PM 4 years ago


 

Jakarta – Nasa 24 na tao na ang kumpirmadong patay sa paglubog ng isang ferry sa Indonesia, kahapon, ayon sa mga opisyal habang patuloy pa rin ang isinasagawang pagsagip sa mga pasaherong nawawala pa rin o di kaya’y stranded sa dagat.

Ang malagim na insidente ay nangyari matapos opisyal na ipatigil ang paghahanap sa mahigit na 160 na tao na kasalukuyan pa ring nawawala sa paglubog ng isa pang ferry sa sikat na tourist lake sa Sumatra dalawang linggo lang ang nakakalipas.

Kita sa mga litrato sa kasalukuyang aksidente ang mga pasahero na nakasabit sa KM Lestari habang inaalon ito ng tubig sa Sulawesi island samatalang ang iba namang pasahero ay palutang lutang sa dagat at naghihintay ng tulong.

Ang ferry ay lumubog ng nasa 300 meters (985 feet) sabi ng transportation agency sa Indonesia, hinahampas daw ng alon ang mga sasakyan na sakay ng ferry bago ito tuluyang lumubog sa tubig.

24 na bangkay ang narekober, 74 naman ang mga nakaligtas ngunit 41 na tao pa naman ang hindi pa rin nakikita sabi ni Sutopo Purwo Nugroho, a spokesman for Indonesia’s disaster management agency.

“Some passengers are still on board because of the rain and high waves,” Nugroho said in a statement.

“The evacuation is ongoing.”

Ayon sa listahan, nasa 139 na tao at 48 na sasakyan ang laman ng nasabing ferry,

Kasalukuyan naman tumutulong sa pagliligtas sa mga pasahero ang mga maliliit na bangka kabilang na ang mga local fishing vessels dahil pinipigilan ng masamang panahon ang paggamit sa mas malalaking barko, sabi ng transportation ministry.

Nakasuot naman ng life jackets ang mga pasahero na nakaligtas sa paglubog ng ferry.

Hindi na bago sa Indonesia ang mga ganitong klase ng insidente dahil maraming tao ang nakadepende sa mga bangka para makapunta sa nasa 17,000 island ng bansa kahit na kulang ito sa seguridad. (Remate News Team)