24 nations magtatagisan sa Online Asian Schools Chess C’ships

24 nations magtatagisan sa Online Asian Schools Chess C’ships

July 22, 2021 @ 10:59 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Ibubuhos ng Pilipinas ang kanilang buong lakas at delegasyon sa pagsabak ng bansa sa online Asian Schools Chess Championships na lalahukan ng 24 na bansa.

Ibabandera ng bansa ang 83-strong roster sa lahat ng individual at team open at girls age categories—Under-7, U9, U11, U13, U15 and U17— sa event na sisipa sa ngayong Biyernes hanggang sa Linggo sa boys’ division t sa July 29-31 sa girls’ class.

Ang event na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP), kinikilala ng Asian Chess Federation (ACF) at International Chess Federation (FIDE) at suportado ng Philippine Sports Commission (PSC),  nilahukan ng mahigit 890 players  mula sa 24 nations.

Nagpadala ang bansa na may panlimang pinakamaraming manlalaro kasunod ng Sri Lanka, powerhouse India at Iran na may tig-96 at 84 sa Malaysia.

Kalahok din sa event ang Bangladesh (66), Hong Kong (38), Indonesia (11), Iraq (8), Japan (4), Kazakhstan (12), Kyrgyzstan (31), Lebanon (20), Maldives (6), Mongolia (55), Nepal (7), Oman (10), Pakistan (5), Qatar (4), Singapore (44), Syria (15), Thailand (50), Chinese Taipei (33) at Uzbkeistan (16).

Pangungunahan ni NCFP president at Senior Deputy Speaker Prospero Pichay, Jr. ang event sa pamamagitan ng simpleng seremonya  na pasisiglahin din I ACF president Sheikh Sultan Bin Khalifa Al Nehyan, secretary-general Hisham Al Taher at executive director Casto Abundo.Rico Navarro


  •  
  •  
  •