24 pamilya apektado ng landslide sa Davao de Oro

24 pamilya apektado ng landslide sa Davao de Oro

January 15, 2023 @ 2:18 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Apektado ng pagguho ng lupa ang nasa 24 na pamilya sa Maco, Davao de Oro.

Ito ay dahilan ng tuloy-tuloy na pag-ulan na nararanasan sa lugar maging sa iba pang mga lalawigan sa Visayas at Mindanao.

Sa impormasyon mula kay Allen Baco, operations and warning division head ng Davao de Oro Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, nagdulot ng landslide bandang alas-4 ng madaling araw ang malakas na pag-ulan na nakasira ng ilang bahay sa Barangay Mainit.

Wala namang naitalang nasaktan o nasawi sa nangyaring insidente.

Naghahanda na ng tulong sa mga apektadong residente ang lokal na pamahalaan, na ngayon ay tumutuloy sa covered court ng barangay. RNT/JGC