24 patay sa bus accident sa Peru

24 patay sa bus accident sa Peru

January 29, 2023 @ 2:18 PM 2 months ago


PERU – Patay ang 24 katao nitong Sabado, Enero 28 makaraang mahulog sa bangin ang isang bus na may 60 pasahero kabilang ang ilang Haitians.

Ang bus ay pagmamay-ari ng Qorianka Tours na umalis sa Lima, kabisera ng Peru patungo sa Tumbes, border ng Ecuador.

Sa ulat ng pulisya, ang aksidente ay nangyari sa lugar na tinatawag na “Devil’s Curve”, bahagi ng kalsada na may matarik na kurba.

Hindi naman tukoy kung ilan ang mga pasahero na dinala sa iba’t ibang ospital sa El Alto at Mancora.

Ayon sa ulat, ilan sa mga pasahero ay tumilapon palabas ng bus habang ang iba naman ay na-trap sa loob nito. RNT/JGC