24 sakay ng distressed vessel sa Malaysia, nasagip ng PH Navy

24 sakay ng distressed vessel sa Malaysia, nasagip ng PH Navy

February 28, 2023 @ 1:39 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) nitong Martes na ansagip ng Naval Task Group-Tawi-Tawi nito ang 24 indibidwal na sakay ng Filipino vessel na nagkaroon ng aberya ang makina sa Tagupi Island, Malaysia.

Kinilala ng NFWM ang pitong crew at 17 pasahero na sina:

  • Abdulmar Maih, 47-anyos

  • Ramon Kahal, 63-anyos

  • Michael Duol, 51-anyos

  • Marco Bakuna, 22-anyos

  • Jorimar Maih, 24-anyos

  • Kalid Hassan, 17-anyos

  • Iyah Kahal, 45-anyos

  • Apidul Saidul, 53-anyos

  • Adin Apidul, 14-anyos

  • Said Paldon, 16-anyos

  • Ademar Omar, 18-anyos

  • Ebrahim Daud, 17-anyos

  • Marjok Masilin, 33-anyos

  • Fahad Gabir, 17-anyos

  • Munhamir Sajili, 17-anyos

  • Muslimin Askalani, 20-anyos

  • Shernalyn Isa, 30-anyos

  • Sabre Mujib Atara, 30-anyos

  • Darwin Moha, 19-anyos

  • Silma Moha, 30-anyos

  • Sulanri Moha, 17-anyos

  • Tran Vintan, 17-anyos

  • Kadefar Moha, 3-anyos

  • Yahcob Majidul, 23-anyos

Sinabi ng NFWM na noong February 24, nagpadala ang ML Rihana ng distress call na nagkaroon ito ng engine trouble at palutang-lutang 4.5 nautical miles northeast ng Tagupi Island.

Matapos makipag-ugnayan sa Royal Malaysian Ship (RMN) Todak, tinulungan ang vessel sa towing patungo sa anchorage area sa Tanjung Labian, Malaysia, base sa NFWM.

Ipinadala naman nitong February 26 ng umaga ang BRP Florencio Iñigo (PC393) para sagipin ang mga sakay ng distressed vessel.

Dinala ang barko mula Tanjung Labian sa Malaysia sa Lamion Wharf, Bongao, Tawi-Tawi sa Pilipinas, base sa NFWM.

Binigyan din ng medikal na atensyon ang mga tripulante at pasahero.

Itinurn over sila sa JTF-Tawi-Tawi, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, at Department of Social Welfare and Development Tawi-Tawi para sa wastong disposisyon, anang NFWM. RNT/SA