24 studes bagong iskolar ng Navotas LGU

24 studes bagong iskolar ng Navotas LGU

July 27, 2022 @ 5:45 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Tinanggap ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Navotas ang 24 na bagong benepisyaryo ng NavotaAs Academic Scholarship Program para sa taong 2021-2022.

Nilagdaan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang memorandum of agreement sa pagbibigay ng scholarship sa 15 incoming high school freshmen, pitong incoming college freshmen at dalawang teacher na nais pang hasain ang kanilang kaalaman.

“Education opens opportunities that would ensure a good future. This is why we support Navoteños who strive to finish their studies or further their learning,” ani ni Tiangco.

“We want our scholars to reach their full potential and set as good example to their fellow teachers and students and at the same time be of service to their family and our community,” dagdag ng alkalde.

Upang maging kwalipikado sa nasabing scholarship program, kailangan nang mga aplikante na mapabilang sa top 10 percent of the graduating elementary class, samantala ang mga college scholars ay kailangan mapabilang sa top 25 percent ng senior high school graduating class at ang mga aplikante ay kailangan dumaan sa qualifying exam at interview.

Magbibigay ang lokal na pamahalaan sa mga high school scholars ng P18,000 per academic year para sa libro, transportation, food allowance habang makakatanggap naman ang Navotas Polytechnic ng P22,000 per academic year para sa tuition, libro, transportation at food allowance at ang ibang scholars sa ibang colleges o universities ay bibigyan ng P262,000 para sa mga libro, transportasyon at food allowance.

Inalok rin ng lokal na pamahalaan ng Navotas ng scholarships ang mga estudyante na nangunguna sa sports, arts at mga anak o kaanak ng Top Ten Most Outstanding Fisherfolk. R.A Marquez