24 timbog sa anti-criminality, drug ops sa QC

24 timbog sa anti-criminality, drug ops sa QC

September 4, 2022 @ 10:34 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot sa 24 katao ang siyang nadakip ng ng Quezon City Police District (QCPD) sa ikinasang 1-Day Anti-Drugs and Anti-Criminality Operations sa nasabing lungsod.

Ito ang siyang inanunsyo ni QCPD Director Police Brigadier General Nicolas D Torre III, hinggil sa isinagawang operasyon ng mga Iba’t-ibang mga istasyon ng kapulisan at unit.

Ang 14 na naaresto sa anti-illegal drug operations ay sina Rose Evangelista, 30; Lino Nambatac, 39; Edgarzo Azamza, 55; Bal Galanta, 55; John Mark Aganan, 22; Diether Blancia, 26; July Azuro, 39; Princess Joy Sernio, 34; Marvin Jarillo, 28; Jimwell Karl Lazarte, 23; Daniel Annang, 25; John Carlo Munda, 27; Roy Garcia, 42, at Leo Salazar, 49.

Sila ay kakasuhan ng paglabag sa RA 9165 o the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nadakip naman ang pitong Wanted Persons ng mga operatiba ng Project 6 Police Station (PS 15) na pinamumunuan ni PLt. Col. Norman T Florentino; Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa ilalim ni PMaj. Rene Balmaceda arrested; Batasan Police Station (PS 6) sa pamumuno ni PLt. Col. Morgan B Aguilar at ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) sa pangunguna ni PLt. Col. Roldante S Sarmiento.

Dinampot naman ng La Loma Police Station (PS 1) na pinamumunuan ni PLt. Col. Garman Manabat ang tatlo katao na naaktuhang nagsusugal ng cara y cruz sa 7-A Christine St., Parkway Village, Brgy. Apolonio Samson, at kinasuhan ng paglabag sa PD 1602 or Anti-Gambling Law.

“We highly value our duty to enforce the law, as well as to ensure the safety of our citizens in Quezon City. Therefore, we carried out this massive operation to fulfil our mandate to keep our community safe from evil-doers,” pahayag ng QCPD chief. Jan Sinocruz