240 lisensya ng baril binawi ng PNP

240 lisensya ng baril binawi ng PNP

January 23, 2023 @ 5:38 PM 4 days ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Enero 23 na binawi nito ang nasa 200 lisensya ng baril sa nakalipas na apat na taon.

Ito ay bahagi ng pagpapalakas ng kampanya nito sa gun control sa pamamagitan ng paglilinis sa listahan ng mga licensed firearm holders.

“Over the past 4 years since 2019, we have revoked 240 Firearm licenses and confiscated 684 firearms registered under these licenses for flagrant violation of the conditions of this privilege,” sinabi ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr.

Aniya, ang ilan sa mga violations na sangkot ang mga gun owner ay illegal drugs, krimen sangkot ang baril, hindi pag-renew ng lisensya, illegal o unlawful transfer of firearms, paglabag sa election and special events gun ban, at pagpapasa ng pekeng dokumento.

Noong 2022 ani Azurin, 41 lisensya ang tinanggal habang 201 armas naman ang kinumpiska.

“During the past election, mayroon tayong dalawang LTOPF holders na na-revoke, which caused the confiscation of 17 firearms,” ayon naman kay Col. Kenneth Lucas, pinuno ng PNP Firearms and Explosives Office. RNT/JGC