242 huli sa paglabag sa election gun ban – PNP

242 huli sa paglabag sa election gun ban – PNP

January 21, 2022 @ 1:45 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Nahuli ng Philippine National Police (PNP) ang kabuuang 242 indibidwal na lumabag sa gun ban sa paparating na May 2022 elections.

Sa datos ng PNP, 20 ang bagong nahuli ngayong Biyernes.

Nakumpiska rito ang 14 firearms, 116 ammunition, at apat na deadly weapon.

Naitala naman ang mga lumabag sa Mandaue City, Ormoc City, Eastern Samar, Catbalogan City, Makati City, Pasig City, Taguig City, Parañaque City, Manila, at Bulacan.

Habang may kabuuang 38,276 checkpoint operations ang isinagawa buhat noong Enero 9. RNT/FGDC