Suspek sa pagpatay sa dalagitang siklista sa Bulacan, kinilala ng pulisya

August 18, 2022 @7:15 PM
Views:
91
Bulacan- Tukoy na ng mga awtoridad ang suspek sa natagpuang dalagitang siklistang may mga sugat sa braso, leeg at wala nang buhay sa madamong lugar ng Bypass Road, Brgy. Bonga Menor, Bustos noong umaga ng Agosto, 12.
Kinilala ng pulisya na si Gaspar Maneja Jr, alyas Jose Francisco Santos ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Princess Marie Dumantay, 15, Grade 9 student at residente ng Grace Ville, Tower Ville, San Jose Del Monte (SJDM).
Sa patuloy na follow up operation ng Bustos police katuwang ang Quezon City police ay sinasabing isang alyas Jose Francisco Santos ang huling nakitang kasama ng biktima.
Natunton nila ang sasakyang ginamit ni alyas Jose Francisco Santos na Toyota Wigo na may plakang EAE 2913 na nakarehistro sa pangalang Jomer Maneja.
Nang matunton ng mga awtoridad si Jomer ay sinabi nitong simula Agosto 2021 ay wala na sa kanya ang sasakyan, base na rin sa ipinakita niyang mga dokumentong notaryado.
Aniya, dahil hindi na kayang tustusan ang monthly amortization o hulog ng hinuhulugang sasakyan ay ipinasalo niya ito sa nakakatandang kapatid na si Gaspar alyas Jose Francisco Santos.
Dahil dito, nitong Agosto 17, tuluyan nang kinasuhan ng amang si Rolando Dumantay, 62, kabilang ang tatlong witness ang pangunahing suspek na si Gaspar alyas Jose Francisco Santos sa kasong rape with Homicide at paglabag sa PD No. 38 (Using Fictitious name and Concealing True Name) sa Office of the Provincial Prosecutor office, Malolos City.
Sinasabing ang suspek ay may standing warrant of arrest sa dalawang kasong may kaugnayan sa child abuse na may itinakdang piyansa at rape na walang inirekomendang piyansa na inisyu ni Presiding Judge Ma. Cristina Geronimo Juanson ng Family Court, Third Judicial Region Branch 5, SJDM noong Abril 12, 2021. Dick Mirasol III
Pag-usog ng BSKE idudulog sa SC

August 18, 2022 @7:03 PM
Views:
65
MANILA, Philippines – Dudulog sa Supreme Court ang kilalang election lawyer bunsod ng pinagtibay na desisyun ng Kamara na ipagpaliban ang Barangay at SK Elections (BSKE).
Iginiit ni Atty Romulo Macalintal na walang kapangyarihan ang kongreso na magpaliban ng halalan na kanilang itinakda.
Ang trabaho aniya ng Kongreso ay magtakda lamang kung gaano katagal ang panunungkulan ng mga barangay officials sa isang halalan.
Malinaw aniya na hanggang tatlong termino lamang dapat ang mga barangay at SK officials.
Iginiit ni Macalintal na salig sa batas,maari lamang ipagpaliban ang eleksyon kung karahasan, intimidation at pagkasira ng mga dokumento.”
Una nang inaprubahan sa committee level ang pagpapaliban ng BSKE itong December 5 at sa halip ay gawin ito sa susunod na taon. Teresa Tavarez
Galvez: Electoral code sa BARMM aayusin bago mag-2023

August 18, 2022 @6:50 PM
Views:
49
MANILA, Philippines – Nangako ang Bangsamoro government na ipapasa ang kanilang electoral code bago matapos ang taon.
Layon nito na bigyang daan ang eleksyon sa autonomous region sa 2025.
Sinabi ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Carlito Galvez Jr. na inaprubahan na ang a draft ng electoral code para sa ” comment and vetting.”
“Sa ngayon… sinasabi ni chief minister, baka ‘yung election code ay mapasa before the end of 2022,” ayon kay Galvez sa Laging Handa briefing, tinukoy si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) interim chief minister Ahod Ebrahim.
“Mayroon na po itong draft at naipasa na rin for comment and vetting. They are very confident na kayang-kaya nilang ipasa in due time.”
“They have already the commitment… They are very confident that they will pass the (BARMM) election code before the end of 2022 in order for us to prepare for 2023 and 2024. Meaning, mas uunahin nila ang election code to give way for the preparations,” dagdag na pahayag ni Galvez.
Ang first regular parliamentary elections sa BARMM ay naka-iskedyul sana ngayong taon subalit inilapat sa taong 2025 dahil sa kawalan ng Bangsamoro Electoral Code.
Ang eleksyon sa BARMM ay idaraos at isasabay sa 2025 national polls.
Ugnayan ng Pinas, Tsina pinalakas ni PBBM, envoy

August 18, 2022 @6:37 PM
Views:
60
MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mananatili ang commitment nito na mas palakasin pa ang relasyon ng Pilipinas sa China.
Ito’y matapos na makipagkita si Pangulong Marcos kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa Malakanyang, araw ng Miyerkules.
“We welcomed the Chinese Ambassador to the Philippines, H.E. Huang Xilian, in a courtesy call yesterday,”ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang Facebook post sabay sabing “We are very grateful for the visit, and we look forward to further strengthening the relationship between China and the Philippines for the benefit of both our peoples.”
Ang mga larawan ng pagpupulong nina Pangulong Marcos at Huang ay naka-post sa official Facebook page ng una.
Para kay Huang, “greatly honored”siya sa kanyang naging courtesy call kay Pangulong Marcos.
Sa ilalim ng bagong administrasyon, kumpiyansa si Huang na mas lalo pang lalago ang kooperasyon sa pagitan ng China at Pilipinas.
“We exchanged views on further strengthening the relationship between China and the Philippines for the benefit of both our peoples. I’m fully confident that under the strategic guidance of President Xi Jinping and President Marcos, China-Philippines relationship will further grow and achieve more benefits in the years to come,” anito. Kris Jose
Vice tinawag na mga demonyo ang mga tsismosa

August 18, 2022 @6:30 PM
Views:
35