2,467 sa 4,914 pasado sa Electrical Engineer Licensure Exam – PRC

2,467 sa 4,914 pasado sa Electrical Engineer Licensure Exam – PRC

September 10, 2022 @ 2:37 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) noong Biyernes na 2,467 sa 4,914 ang pumasa sa Electrical Engineer Licensure Examination na ibinigay ngayong buwan.

Nangunguna sa pagsusulit matapos makakuha ng iskor na 94.10% si Felipe Acol Jimenez Jr mula sa Eastern Samar State University-Borongan.

Nanguna naman ang Unibersidad ng Santo Tomas sa mga paaralan na kumuha ng pagsusulit.

Sinabi rin ng PRC na 2,433 sa 3,857 ang pumasa sa Registered Master Electrician Licensure Examination na ibinigay din ngayong buwan.

Si Kin Basa Amata mula sa Capiz State University ang nanguna sa pagsusulit sa iskor na 95.00. Ang Sorsogon State College ang nangungunang paaralan sa nasabing mga board.

Dagdag pa ng PRC na 64 ang pumasa sa Technical Evaluation para sa Pag-upgrade bilang Professional Electrical Engineers. Jocelyn Tabangcura-Domenden